POSIBLENG sumunod na rin sa piitan ang asawa ng kontrobersyal na contractor na si Sarah Discaya matapos magdesisyon ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong tax evasion si Pacifico “Curlee “ Discaya sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Atty. Polo Martinez na tumatayong DOJ spokesperson, ihahain ang reklamo sa Court of Tax Appeals matapos maresolba ang mga tax evasion complaints na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Gayunpaman, nilinaw ni Martinez na kinukumpleto pa ang “attachments” para sa pormal na pagsasampa ng kaso sa Court of Tax Appeals.
Higit na kilala ang mag-asawang Discaya — na idinidiin sa maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways – sa pagsisiwalat ng mga politikong lubos na nakinabang sa mga ghost projects ng pamahalaan. (JULIET PACOT)
