WALANG dudang magkasangga hanggang sa huli ang dalawang dating artistang pumalaot sa pulitika.
Sa isang kalatas, kinumpirma ng Atty. Polo Martinez na tumatayong tagapagsalita ng Department of Justice (DOJ) ang napipintong pagharap nina Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa preliminary investigation kaugnay ng tinaguriang flood control scandal.
Bukod kina Estrada at Revilla, inaasahan din ang pagharap (sa bisa ng subpoena) ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Ayon kay Martinez, itinakda ang preliminary investigation sa reklamong plunder na inihain ng National Bureau of Investigation sa Lunes, Pebrero 2, 2026. (JULIET PACOT)
