PINABULAANAN ni Justice Secretary Fredderick Vida na pinayagan ng Department of Justice (DOJ) ang pagbabalik sa Estados Unidos ni dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.
Ayon kay Vida, hindi totoong inaprubahan ang hirit ni Bonoan muling lisanin ang bansa para bisitahin ang may sakit na asawa.
Pebrero 10 nang maglabas ang Manila Regional Trial Court Branch 52 ng precautionary hold departure order laban kina Bonoan, Senador Jinggoy Estrada at iba pang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng flood control scandal.
Paglilinaw ng Kalihim, kailangan muna ipaalam ni Bonoan sa korte ang planong pagpunta sa Amerika para sa pagpapagamot sa kabiyak.
Inamin din ni Vida na nagkaaberya sa unang biyahe ni Bonoan sa US dahil hindi tumupad sa ipinangakong petsa ng pagbabalik sa Pilipinas.
Katunayan aniya, mismong ang prosekusyon ang humiling sa korte maglabas ng precautionary hold departure order sa mga respondents. (JULIET PACOT)
