PINAUBAYA ng Department of Justice (DOJ) sa Korte Suprema ang magiging kapalaran ni Senador Bong Bo, Bato dela Rosa at iba pang “co-perpetrators” sa madugong giyera kontra droga ng nakalipas na administrasyon.
Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ng DOJ ang nakabinbin petisyon laban sa umano’y pakikipagsabwatan ng administrasyong Marcos sa International Criminal Court para sa pagdakip kay former President Rodrigo Duterte noong Marso 2025.
Una nang lumutang ang pangalan nina Go, dela Rosa at iba pang opisyales ng pamahalaan sa panahon ng panunungkulan ni Duterte, sa mga posibleng dakpin sa sandaling lumabas ang arrest warrant mula sa ICC.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, maghihintay ang kagawaran sa desisyon ng Korte Suprema bago aksyunan ang arrest warrant laban kina Go, dela Rosa at iba pa.
Gayunpaman, nilinaw ni Martinez na bagamat hindi na bahagi ng ICC ang Pilipinas, may obligasyon pa rin ang gobyerno sa International Police Organization (Interpol).
Bukod kay Go at dela Rosa, pasok sa talaan ng mga sinasabing co-perpetrators sina former PNP Chief Vicente Danao, Camilo Cascolan at Oscar Albayalde, dating NBI Director Dante Gierran, dating PDEA Chief Isidro Lapeña at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.
Samantala, inihayag ng DOJ na wala pang inilalabas na arrest warrant ang ICC laban sa mga nabanggit na personalidad. (JULIET PACOT)
