
ISANG buwan matapos magtalaga ng bagong Kalihim para sa Department of Transportation (DOTr), isang balasahan naman ang ipinatupad ng Malacañang sa mga kawanihan sa ilalim ng naturang kagawaran.
Ayon kay Atty. Claire Castro na tumatayong Palace Press Officer, papalitan ni Marcus Lacanilao si Atty. Vigor Mendoza bilang hepe ng Land Transportation Office (LTO).
Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pamumunuan naman ni Mendoza ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board bilang chairman, kapalit ni Teofilo Guadiz III na inilipat sa Office of Transport Cooperative (OTC).
Gayunpaman, hindi sinabi ni Castro ang dahilan sa likod ng balasahan.