
SA hangaring ituwid ang mga pagkakamali ng nakalipas na administrasyon, muling binuksan ng Department of Transportation (DOTr) ang aplikasyon para sa consolidation ng public utility vehicles (PUV) sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP).
“Pinirmahan na ni Transportation Secretary Vince Dizon ang Department Order No. 2025-009, na muling nagbubukas sa application ng consolidation at nagbibigay ng guidelines para sa mga individual operators at drivers na hindi pa nagko-consolidate,” ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon
Sa paglagda sa Department Order No. 2025-009 noong Martes, tiniyak ni Dizon ang pagiging bukas sa ilang pagbabago sa PTMP ng gobyerno upang matugunan ang mga alalahanin ng mga transport group.
Aniya, nasa 86% ng PUV ang nag-apply para sa consolidation bilang paunang bahagi ng modernization program.
Sa naturang bilang, nasa 40% lang ang naaprubahan.