KUNG ano ang itinanim, gayundin ang aanihin. Ito marahil ang napagtanto ni Senador Francis Escudero matapos ipagkanulo ng mga kapwa senador na kanyang naging daan para makamit ang liderato ng senado.
Sa bisa ng 15 lagda, ganap na napatalsik si Escudero bilang lider ng senado, kasabay ng pagluluklok kay Senador Vicente Sotto III bilang senate president.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Sotto ang ang posisyon ng senado — “cooperative but independent, balanced, transparent and sincere.”
Bukod kay Escudero, laglag din sa pwesto bilang Senate President Pro-Tempore si Senador Jinggoy Estrada, gayundin si Senador Joel Villanueva bilang majority floor leader.
Sa pagsampa ni Sotto sa dating pwesto, kasabay na naluklok si Senador Ping Lacson bilang bagong Senate President Pro Tempore, habang kay Zubiri naman ipinagkatiwala ang posisyon ng Senate Majority Leader.
Laglag din bilang chairman blue ribbon committee si Senador Rodante Marcoleta. (ESTONG REYES)
