WALA akong alam dyan, ayon kay former President Duterte sa nangyaring pamamaslang kay former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board Secretary retired Gen. Wesley Barayuga noong Hulyo ng taong 2020.
Ayon kay Duterte, siya man ang nagulat sa pangyayari – at lubos na interesado malaman ang katotohanan, pagkakakilanlan at motibo ng utak sa likod ng pananambang sa heneral.
Gayunpaman, nagpasaring ang dating pangulo sa posibleng dahilan sa likod ng pamamaslang na di umano’y isinagawa sa utos ni former PCSO general manager Royina Garma na usap-usapang nakarelasyon ni Duterte.
Sa isang pahayag, todo-tanggi ang dating pangulo — “Hindi ako nakialam diyan… that is a personal. Maybe, I do not — wala akong ano na magpapatay ng general,” wika ni Duterte.
Una nang naatasan ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation na bumuo ng isang joint task force na mag-iimbestiga sa naturang insidente.
