SA pagnanais na wakasan ang kultura ng karahasan sa loob ng mga fraternity at sorority groups, target ng Senado amyendahan ang ilang probisyon ng umiiral na Republic Act 11053 (Anti-Hazing Law of 2018).
Partikular na puntirya ng senado sa inilabas na report ng joint panel ng Committee on Justice and Human Rights at Committee Public Order and Dangerous Drugs kaugnay ng isinagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni Adamson student John Matthew Salilig ang pagpapataw ng tumataginting na P20 milyong multa sa anumang fraternity at sorority group na makakaladkad sa mga insidente ng pisikal na pagpapahirap sa mga miyembro.
“The organization shall be liable for any death or physical injuries resulting from any of the initiation activities of their organization. They shall likewise shoulder the litigation fees of the victim’s family,” ayon sa report.
Bahagi rin ng kastigong isinusulong isingit sa bagong bersyon ng Anti-Hazing Law ang kanselasyon ng SEC registration, akreditasyon sa paaralan at pagsasampa ng mga kasong kriminal sa husgado.
“Any death or physical injury will cause the automatic cancellation of the SEC certificate of registration of the fraternity, sorority, or other similar organization and the corresponding declaration of the group as an illegal organization making its founders, officers, and members punishable under the law.”
Nakatakda rin atasan ng panel ang Philippine National Police na kumalap ng datos at ipasok sa isang national database ang mga fraternities at sororities sa loob at labas ng mga paaralan.
“An insightful analysis of the matters discussed during the hearing would lead to the conclusion that the root cause of the problem in our midst really is the culture of violence that is prevalent and being perpetrated by fraternities, sororities, and other organizations.”
“It is the tradition of these organizations of using violence as a requirement for admission and retention of membership in its supposed ‘brotherhood’ that is causing the deaths in these organizations. Thus, we should not leave the fraternity out of the equation when we talk of liability,” ayon pa sa report.