November 5, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

Ex-Pres. Duterte bilang special envoy ng Pinas sa China?

NI ESTONG REYES

KUMBINSIDO ang isang beteranong senador na maaaring maging epektibong special envoy ng Pilipinas sa bansang China si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa isulong ang interes ng mga Pilipino sa West Philippine Sea.

“There’s no doubt that President Duterte is one of the best representatives of the country when talking to the Chinese government because of his relationship with President Xi Jinping and may experience both good and bad during his term,” wika ni Senador Alan Peter Cayetano sa isang ambush interview.

Ayon kay Cayetano na minsang nagsilbi bilang Foreign Affairs Secretary sa ilalim ng administrasyong Duterte, nakuha ng dating Pangulo ang tiwala at respeto ng gobyerno ng China sa pinakamataas na lebel. 

“If ever we know someone who can go to the highest levels of the Chinese government that the Chinese government trusts and the Filipino trusts, si President Duterte iyon. But then we have to come out with a strategy that is both comprehensive and that will work in the short and long term,” sambit pa ng katambal ni Duterte noong 2016 presidential election.

Nang tinanong si Cayetano sa tila kumportableng relasyon ni Duterte sa China, sinabi niya na hindi niya nakita ang dating Pangulo na nakipag kompromiso sa anumang bagay tungkol sa Pilipinas.

“Never kong nakita na nag-compromise at ibinenta ni President Duterte ang Pilipinas. Iba lang yung pagiging bulaklakin ng bibig niya at iba lang siya magsalita, but he never sold out and he will never sell out the Philippines,” aniya pa.

Para kay Cayetano, lubhang kailangan ng Pilipinas ng tinawag niyang back-channel talks sa China upang matiyak ang katatagan hindi lamang ng relasyon ng China at Pilipinas kundi maging ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

“The earlier the better kasi tingnan mo, bakit naman lumakas ang China? Kasi maganda ang ekonomiya nila. Ngayon sa taas ng presyo, we need to get all the help we can get sa bigas, gulay, baboy, sa isda at sa lahat,” dagdag pa niya.

“We’re not only talking about China and the Philippines, I’m talking about fellow ASEAN and China. May danger talaga na pagtaas ng halaga ng pagkain dahil sa nangyari sa Ukraine ngayon na hindi na naman pinapayagan sa Black Sea to transport the grain from Ukraine and the exports from India.” 

Paglilinaw ng senador, maaaring pakisuyuan si Duterte upang mapabilis ang paghahatid ng mensahe sa China – “If may urgent at may emergency, pwede siya. But yung day-to-day negotiations, iyon na yung kung ano yung comfort ng Pangulo. Hindi naman sa hindi kaya. It’s a full-time job eh. Stamina ang needed diyan kasi mag pabalik-balik ng Beijing.” 

Una nang nagbabala si Cayetano laban sa pagpasa ng Resolution 659 na inihain ni Senador Risa Hontiveros na humihimok sa gobyerno sa pamamagitan ng DFA na i-sponsor ang isang resolusyon sa United Nations General Assembly (UNGA) para patigilin ang China sa panggigipit sa Pilipinas sa loob ng West Philippine Sea.

Para kay Cayetano, mas mainam kung bumalangkas ng lang ng isang resolusyong nagpapahayag ng galit sa panggigipit ng mga Tsino sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea.

“Good development na active ang Senate ngayon sa issue na iyan. Ang sa akin lang, pabor sa ating lahat ito dahil maraming facts na hindi alam tungkol dito. We have to explore many options, hindi puwedeng init lang ng ulo. We have to explore all the means and we will come to the conclusion that the best way is to improve the economy and strengthen our Coast Guard and Navy.”