SA gitna ng puspusang manhunt operation na ikinasa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), bilang nagparamdam ang heneral na pangunahing suspek sa likod ng pamamaslang sa isang beteranong komentarista noong Oktubre ng nakalipas na taon.
Pagtatapat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nais nang sumuko ni dating Bureau of Correction (BuCor) Chief Gerald Bantag.
Katunayan aniya, patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Bantag sa isang hindi pinanganganang miyembro ng Gabinete para isaayos ang paghahanda sa napipintong paglutang ng bruskong heneral.
Nang tanungin hinggil sa iba pang detalye, sinabi ni Remulla na wala pa naman aniyang hinihinging kondisyon si Bantag kapalit ng kanyang pagsuko.
Kumbinsido rin ang DOJ chief na hindi makakalabas ng bansa ang heneral na mayroon na aniyang Hold-Departure Order.
Isang linggo na ang lumipas nang ilabas ng Las Piñas Regional Trial Court ang mandamiento de arresto laban kay Bantag kaugnay ng pagpatay kay radio commentator Percy Lapid noong Oktubre 3 ng nakaraang taon.
Sabit din si Bantag sa pagkamatay ng isang Jun Villamayor – ang presong di umano’y kumontak sa sumukong gunman na si Joel Escorial.

Karagdagang Balita
Pork barrel scam: Enrile abswelto sa Sandigan
Reklamo laban sa mga gov’t officials tapos sa 60 araw?
Kaso vs. DPWH officials swak na sa Ombudsman