SA lahat ng aspeto ng pamumuhay, pinakamahalaga ang kalusugan ng mga mamamayan, hindi lamang sa pakikipagsapalaran sa ikot ng mundo, sandata din ninunam ang malusog at maayos na pangangatawan sa pagtupad ng tungkulin sa sarili, kapwa at bayan.
Kung makikita ninyo ang pumipila sa Public Assistance Center (PAC) ng Senado madaling araw pa lamang, marami nang nakahanay upang makapasok sa kota na binibigyan ng ayudang-medikal sa public hospital.
Madalas, doon na sila natutulog upang hindi abutan ng mahabang pila, maka-amot lamang ng ayuda sa sakit ng kaanak o minsan sa pansarili.
Ikaw ang pupunta sa Senado.
Paano iyong malayo sa Senado? Sa malalayong lugar, sa liblib na nayon o sa barangay na kahit health worker ay wala o kahit maliit man lang na health center dahil kapos sa pondo ang LGUs?
Bukod sa nararanasang tigang na lupa sa panahon ng tag-init, lubog sa baha sa panahon ng tag-ulan. Kaya hindi napapansin ng karamihan sa ating kababayan sa kanayunan ang kanilang kalusugan dahil inaalala pa nila ang pamasahe at pambayad sa doktor.
Pero, kakaiba si Senador Alan Peter Cayetano. Sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng pambansang pamahalaan, inilalapit ni Cayetano ang serbisyo sa malalayong lugar, hindi lamang sa sentrong urban, kundi sa lugar na halos hindi napupuntahan ng manggagamot.
Katunayan, daang-daang pasyente o may –sakit sa Cebu ang nakatanggap ng malawakang tulong sa programa ni Cayetano sa pamamagitan ng kanyang public service programs para sa pangangailangang medikal, kabuhayan, at edukasyon.
Sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC), sinagot ni Cayetano ang hospital bills, laboratory fees, at medication ng higit 400 na naka-admit na pasyente sa pakikipagtulungan ng senador sa DOH Medical Assistance to Indigents Patients Program (DOH-MAIPP).
Nitong April 17 at 18, naghanda ang opisina ng senador ng medical assistance desks upang tulungan ang mga naka-admit na mga pasyente na dumadaing ng iba-ibang karamdaman tulad ng cancer, heart disease, chronic kidney disease, thyroid problems, respiratory disease, diabetes, pregnancy, mental health, at problema sa ngipin.
Natuklasan natin na may isang pasyente sa naturang lugar ang lubos na nagpasalamat kay Cayetano, si Teresita Lanticse, isa sa ilang beneficiary na may Type II Diabetes, sa medical assistance na natanggap nito mula sa senador.
“Magpasalamat ako kasi magkano rin ang mga laboratory test ko, minsan umaabot ng P4,000 plus kaya makakatulong talaga ito,” sabi ni Lanticse na mula sa Barangay Basak, San Nicolas sa Cebu City.
Ilan sa mga beneficiary ay mga bata, kabilang ang isang anim na buwang gulang na sanggol na lalaki na may cleft palate na dapat operahan, at isang apat na taong gulang na batang lalaki na may sakit sa puso at naoperahan na sa Philippine Heart Center noong nakaraang taon.
Upang mapabilis ang kanilang paggaling, binigyan ang dalawang pasyente ng sapat na tulong-medikal at suporta para sa kanilang mga operasyon kung kinakailangan nila ng karagdagang tulong.
Sinagot din ni Cayetano ang hospital bill ng isang youth leader mula Cebu na nabaril sa mata ng isang drug addict noong nakaraang linggo.
Bukod sa Cebu, nakatanggap din ng tulong mula sa tanggapan ni Cayetano ang ilang pasyente mula sa Bohol, Lanao del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte. Ginawa ang medical caravan sa pakikipagtulungan kasama ang DOH Center for Health Development Region 7.
Samantala, para sa livelihood program ni Cayetano na Presyo-Trabaho-Kita/Kaayusan (PTK), binalikan ng opisina ng senador ang anim na grupo mula sa Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, at Cordova upang alamin ang kanilang kondisyon pagkatapos ng pandemya.
Nakatanggap ang anim na PTK groups ng puhunan mula sa programa upang matulungan nila ang kanilang mga miyembro na mapalago ang kanilang maliliit na negosyo at magbigay ng tulong na pera sa mga miyembro sa panahon ng krisis.
Ang mga grupong binisita ay ang Cebu Coalition United Market Vendors Association (Cebu City),) Maguikay Settlers Homeowners Association Retail Store Owners (Mandaue City), Cordova Market Vendors Association (Cordova), BasGun TODA, Basak Kababay-an, at Maribago Public Market Association (Lapu-Lapu City).
Sa educational assistance naman, nagbigay ng tulong ang opisina ni Cayetano para sa 112 estudyante mula elementary hanggang college na naging biktima ng sunog sa Barangay Looc sa Mandaue City. Ipinaabot itong tulong upang mapagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral. Naghanda rin ng isang medical desk para tingnan ang kalagayan ng mga student-beneficiary.
Ginawa ang pamimigay ng educational assistance nitong April 19 sa Barangay Looc Gym sa pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development Region 7 at pakikipagtulungan ni Mandaue City Lone District Representative Emmarie “Lolypop” Ouano-Dizon.
Hindi ko isinulat ang kolum na ito upang ipagyabang sa ating mambabasa ang nagagawa ni Cayetano kasi nararanasan lamang natin ang ganitong uri ng serbisyo mula sa pulitiko tuwing panahon ng halalan.
Kakaiba si Cayetano, pagkatapos ng halalan ginawa ang tunay na paglilingkod sa bayan, nang walang kaakibat na pulitika at nakasandig sa paniniwala at pananampalataya sa Dakilang Lumikha.
Kudos!