PARA sa Bureau of Treasury, walang dahilan para hindi matuloy ang paglilipat ng tinaguriang “excess funds” ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) lalo pa’t legal at naaayon sa batas ang pagbawi ng national government sa mga tulog na pondo ng government-owned and operated corporations (GOCC).
Panawagan sa publiko ni Department of Finance Director Nina Asuncion, maging mapanuri sa lumalabas sa social media – partikular sa mga tinawag niyang “fake news” kung saan sinasabing ilegal ang pangongolekta ng sleeping funds.
Katunayan aniya, nakasaad sa probisyon ng General Appropriations Act of 2024 na pwedeng ibalik sa National Treasury ang mga hindi nagamit na pondo ng mga GOCCs para magamit sa ibang programa at proyekto ng gobyerno.
