
INIHAYAG ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na puwedeng maglagak ng pamuhunan ang lahat ng government controlled and owned corporation sa Maharlika Investment Fund (MIF) tulad ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS) sa alinmang proyekto nito.
Sa pahayag, sinabi ni Villanueva, isa sa lumagda at bomotong pabor sa paglikha ng MIF, na magagawa ito ng naturang kompanya kahit nakatakda sa batas na bawal itong maglagak ng pamuhunan sa Maharlika Investment Corporation (MIC).
Ayon kay Villanueva, nagsisilbing caretaker ng Senado sa loob ng 2 linggo na legit para sa GOCCs na pumaloob sa joint venture sa MIC – o pondohan ang isang proyekto na pinapopondohan ng MIF – hangga’t hindi sila naglalagap ng pondo sa Maharlika corporation o salaping pinamamahalaan nito.
“May project kunwari itong ‘Microphone.’ Ito yung ‘Power Plant.’ Pumasok si MIC sa Power Plant. Si GSIS pumasok din sa Power Plant. Parehas sila pumasok sa Power Plant, nag-joint venture sila. Legit ‘yun,” paliwanag ni Villanueva.
“This is Maharlika, hindi papasok si GSIS dito. Sa project, ito, pwede na siyang pumasok dahil may sarili siyang scrutinizing mechanism,” dagdag niya.
Nakatakda sa ilang probisyon na inaprubahang bersiyon ng Kongreso na ipinagbabawal sa GOCCs na sangkot sa social security at public health insurance na mamuhunan sa MIC at MIF.
Naunang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaaaring mag-subcribes ang banned GOCCs sa projects ng MIC – ang statement na humakot ng pangamba sa mambabatas.
Pero, ipinaliwanag ni Villanueva na walang “Maharlika project” – kundi tanging government project na maaaring pagpilian ng MIC o GOCCs na pamuhunan.
Ngunit, tinabla ito ni Senate Minority Leader Koko Pimentel dahil paglalaro lamang ito sa salita. Inihayag naman ni Senador Risa Hontiveros, nakatakda sa bersiyon na pinagbitay ng Senado at ikinasa naman ng House of Representatives “ ang absolute prohibition sa paggamit ng pondo ng GSIS, SSS, PhilHealth at iba papng insurance at pension institutions.”
Dahil dito, inihayag ni Villanueva ang pangamba sa iba’t-ibang interpretasyon sa Maharlika Billa na titiyakin na susunod sa posisyon ng Senado ang paglikha ng implementing rules and regulations.”
“Kahit na po ano ang gawin nila, they cannot deviate from the spirit of the law and the intention of the lawmakers who passed this very important measure. Hindi ho sila in-elect ng taumbayan para mag-debate at amyendahan o palitan o baguhin, dagdagan o bawasan ang batas na ito,” aniya.
Kasalukuyang nililinis ng Senate secretariat ang Maharlika bill, isang linggo matapos itong pagtibayin ng Kongreso na nagsasagawa ng pagtatama sa ila typographical at clerical errors.
“I don’t want to glorify yung mga sinasabing minadali or nagkamali. We’re all human beings, during that time it’s already 2:30 a.m., nangyayari yung mga typo errors, nangyayari yung minsan mali yung numero,” ayon sa majority leader.