
ILANG taon pa bago ang presidential elections sa ating bansa, ilang mga politico ang pumupustura na mga kumpadre’t kumadre.
Aminin man nila o hindi, Ismael Ace Sevilla ng NCR TODA, ang tingin ng ilan natin Seksing Saksi, inaasahan na magbabangaan si Vice President Inday Sara Duterte-Carpio at Speaker Martin Romualdez sa 2028.
Paano naman si Senator Bong Go ‘di ba Ipe Salvador at Senator Robin Padilla?
Hindi pa malinaw kung ano ang tsansa ni Senator Bong Go pero muhkang sina President Inday Sara at Speaker Martin ang primadong kandidato sa pagka-Pangulo na inaabangan ng mga botante tama ba Senator Mark Villar at Senator Sonny Angara?
Kanino kaya pupusta ang ating mga oligarchs kina Vice President Inday Sara at Speaker Martin?
Knowing them, hindi nila nilalagay ang lahat ng kanilang taya nila sa isang basket.
In other words pinupustahan nila lahat ng kandidato sa pagka-Pangulo at pagka-Bise Presidente na lumalabas sa top 3 ng survey na sinasagawa ng SWS ni Professor Mahar Mangahas, Pulse Asia ni Professor Felipe Miranda at Laylo Research Strategies ni Ambassador Pedro Laylo Jr.
Kaya hindi kata-kataka na maraming survey firms ang nagsulputan kasi magandang raket di ba Malou Tiquia?
Pero kung tatanungin mo si Manong Gorio na tsuper ng dyip mula sa Crossing Shaw Boulevard hanggang Tanay o kaya sa Mang Bert na barbero ng Bruno’s Shangrila Mall, ang tingin nila ay malakas si Vice President Sara kung gagawin ang eleksyon ngayon.
Hirit naman ni Manang Pinang na tindera ng gulay sa Balintawak market at si Manong Udo na isang pedicab driver sa Tutuban na kaya pang mapalakas ni Speaker Martin ang kanyang kandidatura kung makakakuha siya ng maayos na ground operators.
Ibig sabihin ba nito ay hindi pa nakakasigurado si Vice President Inday Sara lalo pa’t nawawalan ng amor ang ilang opisyal ng MASADA sa anak ni dating pangulong Digong Duterte kahit ginagabayan pa siya ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo?
Sabi ng ilang Seksing Saksi mula sa Davao hindi pinagkakatiwalaan ni Vice President Inday Sara ang lead convenor ng MASADA na si dating Energy Undersecretary Benito Ranque, totoo ba ito Perseus Echeminada ng Daily Tribune?
Kung sakaling hindi mag onboard si Ben Ranque kay Vice President Inday Sara sa 2028 presidential elections e maaari siyang makatulong ng malaki kay Speaker Martin ‘di ba Senator Koko Pimentel?
‘Lam ko si Elmer Mesina na dating PR ng Philip Morris at Business Editor ng Philippine Star ay meron kakilalang mga ground operators na magaling sa political organizing at tactical communications pero hindi pa naabot ni Vice President Inday Sara o ni Speaker Martin, di ba Jun Burgos? Teka bakit nga ba inupakan ni dating congressman Jing Paras ng Negros Oriental ang kanyang Upsilon brother na si Speaker Martin?
Ruben Manahan at Ryan Pacpaco mukhang kelangan lang ma-endorse ni Speaker Martin si Cong Jing Paras para ma-appoint sa DoTR o ng DOE. Kung ako ang tatanungin n’yo mga kumpadre’t kumadre mukhang mas bagay si Congressman Jing Paras na maging General Manager ng PCSO, di ba Jing Villamente ng Daily Tribune?