Ni Jam Navales
PARA sa kongresistang kinatawan ng sektor ng magbubukid at mangingisda, higit na angkop na ituloy at pag-ukulan ng panahon ng bagong talagang ang programang dinatnan sa Department of Agriculture.
Bagamat kumbinsido si Agri partylist Rep. Wilbert Lee sa kakayahan ni fishing magnate Francisco Tiu Laurel na pamunuan ang DA, wala naman aniyang dahilan para baguhin pa ang direksyon ng departamento.
“We welcome the appointment of Francisco Tiu Laurel Jr. as the new DA Secretary. We hope that under his leadership he will be able to continue the programs and projects implemented by President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. to develop our country’s agricultural sector,” pahayag ng Bicolano lawmaker.
Paglilinaw ng naturang kongresista, may mga magandang programang nasimulan si Marcos sa mga panahong siya mismo ang nangangasiwa sa naturang kagawaran – bagay na aniya’y dapat tutukan ng bagong sekretaryo.
Kabilang sa mga aniya’y nararapat palakasin ni Laurel ang pagbibigay ng kinakailangang suporta sa agrikultura.
Subalit marami at mabigat pa rin umano ang mga hamon na kinakaharap ng nabanggit na sektor, kaya umaasa si Lee na sa pamumuno ni Sec. Laurel ay mananatili ang pagtutok dito ng gobyerno para tuluyang matugunan ang deka-dekadang mga problema ng mga pamilya at indibidwal na nakasalalay ang kabuhayan sa pagtatanim, pangingisda, pag-aalaga ng mga hayop at iba.
“We look forward to working with Sec. Laurel in championing the causes and easing the plight of our agricultural workers. Winner Tayo Lahat sa tagumpay ni Sec. Laurel at ng buong sektor ng agrikultura,” pagtatapos ni Lee.