MANANATILI sa Pilipinas si dating House Speaker Martin Romualdez, matapos ibasura ng Sandiganbayan ang hirit na bawiin ang precautionary hold-departure order laban sa dating lider ng Kamara.
Sa resolusyon ng Sandiganbayan Seventh Division, ibinasura ang petisyon na naglalayon pahintulutan si Romualdez magtungo sa ibang bansa para magpagamot.
Para sa Sandiganbayan, nananatiling “flight risk” ang dating House Speaker na itinuturong utak sa likod ng tinaguriang flood control scandal.
Giit ng Sandiganbayan, wala man lang umano ipinrisintang medical records, medical abstract, o confirmed schedule para sa follow-up consultation ang kongresista bilang suporta sa hiling sa korte.
Wala rin anilang patunay na ang kanyang karamdaman at nangangailangan ng agarang gamutan abroad, o na walang sapat na kakayahan ang mga doktor sa Pilipinas para sa kanyang kondisyon.
Anang Sandiganbayan, hindi rin napatunayan na ang inaasahang medical procedure ay hindi available sa bansa o mas angkop sa ibang lugar.
Wala rin umano isinumiteng detalyado at kumpirmadong travel itinerary, gayundin ang pagtatalaga ng kinatawan o contact person.
