NAGPASALAMAT si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pakikilahok ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa mga usaping politika at nauunawaan umano nito ang kanyang interes kaugnay ng halalan sa 2028.
Subalit naniniwala umano si Romualdez na maraming problema ang bansa na nararapat na pagtuunan ng agarang pansin gaya ng isyu ng pagpapa-unlad ng ekonomiya, sa sektor ng kalusugan at ang pang-rehiyon gaya ng agresibong mga hakbang ng China sa West Philippine Sea.
“I am grateful for the former President’s engagement with the political discourse, and I understand the curiosity surrounding the 2028 elections. However, I believe it is important to focus on the present challenges facing our nation,” ani Romualdez.
“Marami pang problema ang mga Pilipino na kailangang bigyan ng solusyon. Hindi eleksyon ang sagot sa sikmurang gutom,” dagdag pa ng lider ng mahigit 300 kongresista.
Bilang lider ng Kamara de Representantes, sinabi ni Speaker Romualdez na ang kanyang prayoridad ay maitaguyod ang pagkakaisa at koloborasyon ng iba’t ibang partido.
“This is a time to put aside rumors and speculations about future elections and concentrate on what we can achieve together for the betterment of our country and the welfare of the Filipino people,” sabi ni Speaker Romualdez.
Kaugnay ng kanyang personal na hangaring pampulitika, sinabi ni Speaker Romualdez na sa kasalukuyan siya ay nakatutok sa pagiging lider ng Kamara at pagsisilbi upang maibigay ang pangangailangan ng bansa.
“My focus is on the present responsibilities and not on future electoral possibilities,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Sinabi ni Speaker Romualdez na kinikilala nito ang mahalagang kontribusyon na nagawa ng dating Pangulo at umaasa na ipagpapatuloy nito ang pagbibigay ng kanyang suporta at kaalaman.
“His continued involvement is crucial as we strive to overcome the challenges we face. Our collective efforts are vital for the progress and prosperity of the Philippines,” saad pa ng lider ng Kamara