MAS paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapanatili sa kaayusan at kaligtasan sa bansa makaraan ang mga insidente ng kriminalidad.
Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda na makikipag-koordinasyon sila sa mga bus companies bunsod ng pagpatay sa live-in partner sa loob ng bus sa Carranglan, Nueva Ecija.
“We need to bring back yung mga dating ginagawa, mga bus marshalls, we will do that and we will coordinate with bus companies, lalo na ngayong papasok na ang Christmas,” sabi ni Acorda sa pagdalo sa Senate plenary budget deliberations.
Sa ginanap na budget deliberations, inungkat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mga kriminalidad na bansa bukod sa pamamaril sa Carranglan ay isiningit din ang pagpatay sa radio anchor sa Misamis Occidental gayundin ang kaso ng nawawalang beauty pageant contestant at kaso ng mga hindi pa nahahanap na mga sabungero.
“I think we should bring back the deterrent effect of our criminal laws,” sabi ni Pimentel.
Sa kanyang panig, sinabi ni Sen. Sonny Angara, sponsor ng PNP budget, na pababa ang datos ng krimen maliban sa mga kaso ng homicide.
“The crimes seem to be down across the board except homicide, and the cases you mentioned are either homicide or murder, yun lang po ang nag-increase, the cases of physical injuries, rape, crimes against property, robbery, theft, carnapping of motor vehicles and motorcycles, bumaba siya,” sabi ni Angara.
Sinabi ni Angara na ang homicide incidents ay tumaas mula 851 noong nakaraang taon sa 907ngayong taon habang bumaba naman ang ibang kaso. “Pero dear sponsor yan ang pinaka-grabe homicide, patayan yan eh, that’s giving us a black eye to the international community,” ayon naman kay Senate President Miguel Zubiri.