WALANG dahilan para ibasura ang kasong murder na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban kay dating Bureau of Corrections Director Gerald Bantag na pinaniniwalaang utak sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Sa apat na pahinang resolusyon, tinabla rin ng Court of Appeals (CA) ang hirit ni Bantag na ipawalang-bisa ang mandamiento de arresto na inilabas ng Las Piñas Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng insidente ng pananambang kay Lapid sa Las Piñas noong Oktubre 3, 2022.
Taliwas sa giit ni Bantag, nanindigan ang CA na saklaw ng husgado ang pagdinig sa mga karumal-dumal na kaso tulad ng pagpatay sa brodkaster na nagsiwalat ng mga anomalya ng noo’y BuCor chief.
Ayon sa CA, pagpatay kay Lapid decision to junk the petition seeking to nullify the filing of a murder case filed by state prosecutors for the death of a hard-hitting broadcast journalist.
Una nang iginiit ni Bantag na tanging ang Sandiganbayan lamang ang may kapangyarihan lumitis sa kanya lalo pa’t opisyal pa siya ng gobyerno nang maganap ang pamamaslang na binibintang sa kanya.
Nahaharap din sa Muntinlupa City RTC ang puganteng heneral na di umano’y nagpapatay kay presong si Cristito Villamor Palana na inatasan kumuha ng salarin na tatapos sa buhay ni Lapid.
Samantala, makailang ulit nang nalusutan ni Bantag ang mga pulis na sumalakay sa iba’t ibang lugar kung saan siya sinasabing nakita.
