PIHADONG mas gagalingan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagtatago matapos kumpirmahin no Justice Secretary Frederick Vida na hawak na ng departamento ang mandamiento de arresto mula mismo sa International Criminal Court (ICC).
Bukod sa arrest warrant, kabilang rin aniya sa mga dokumentong pinadala ng ICC ang “request for execution.”
“I do confirm that there is a valid ICC arrest warrant and a pending request from ICC to serve the same has been duly received by the Philippines,” ani Vida sa isang pulong-balitaan sa Department of Justice.
Para kay Vida, ituturing na “mockery of justice” ang anumang pagtatangkang lisanin ng senador ang bansa.
Inatasan na rin ng Kalihim ang Bureau of Immigration na bantayan ang mga paliparan at pantalan sa posibilidad ng paglabas ng bansa ng wanted na senador.
Nagbigay rin siya ng kautusan sa border control authorities na arestuhin si Dela Rosa kung subukang umalis sa Pilipinas.
