HINDI bababa sa 172 contractual employees ang napipintong mawalan na ng trabaho sa pagsasara ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ngayong araw.
Sa isang kalatas, nagpahayag ng pag-asa ang ICI na ‘aampunin’ ng ibang ahensya ng gobyerno ang mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa fact-finding body na nilikha sa bisa ng isang executive order para mag-imbestiga sa malawakang katiwalian sa mga imprastraktura ng pamahalaan.
Ayon sa komisyon, nagpamalas ng propesyonalismo at dedikasyon sa trabaho ang mga empleyadong nagsilbi sa kabila ng limitasyon na inilatag ng ahensya.
Samantala, tiniyak ng ICI na patuloy ang pakikipag pulong sa mga partner agencies para maisaayos ang mga natitirang usapin kabilang na ang mga may kaugnayan sa Technical Working Group (TWG) para sa asset recovery.
Ayon sa ICI, naipasa na sa Office of the Ombudsman ang halos lahat ng dokumento kaugnay sa flood control scandal.
