
KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ikatlong nasawi na Overseas Filipino Worker na biktima ng mararahas na militanteng Hamas sa Israel war.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na ang ikatlong nasawing Pinoy worker ay isang 49-anyos na caregiver na taga Negros Occidental.
“Ikinalulungkot kong ipaalam sa inyo ang ikatlong Filipino casualty, isang 49-anyos na taga Negros Occidental,” sabi ni De Vega sa mga reporter.
Sinabi ni De Vega na ang ikatlong Pinoy na nasawi ay kabilang sa daan-daang tao na pinaslang ng militanteng Hamas sa isang music festival sa southern Israel.
“Ipinabatid na namin ito sa kanyang pamilya gayundin kay Pangulong Marcos,” sabi pa ni De Vega.