Ni Ernie Reyes
HINILING ng tatlong senador nitong Huwebes ang agarang pagbabayad ng danyos sa biktima ng binanggang bangka sa karagatan malapit sa Agno, Pangasinan nitong Agosto 2.
Isinagawa ang apela sa ginanap na imbestigasyon ng Senate special committee on Maritime and Admiralty Zones sa pangyayari matapos matuklasan na hindi pa nakakapagdesisyon ang awtoridad sa Pagsasampa ng kasong kriminal sa opisyal ng MT Pacific Anna.
Nitongg Agosto 2, binangga ng Mt Pacific Anna ang FB Dearyn naglalayag sa karagatan malapit sa Agno, Pangasinan na ikinamatay ng ilang opisyal nito. May banderang Marshall Islands ang Mt Pacific Anna.
Sinabi ni Pangasinan Police Director Colonel Jeff Fanged sa Senate hearing na nakunanan na ng affidavits nabuhay na crew pero kailangan pa nitong makipag-koordinasyon sa Department of Justice (DOJ) sa Pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal.
Hinihintay naman ng DOJ ang full report ng Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa insidente, ayon kay DOJ State Counsel Fretti Ganchoon .
“We haven’t seen yet the affidavits mentioned by our PNP, but we don’t want to state that cases will definitely be filed because we want to study it, Mr. Chair,” ayon kay Ganchoon.
Dahil dito, kaagad iginiit ni Senator Francis Tolentino, chairman ng panel, na kailangan ng agarang tulong ng biktima partikular ang pamilya ng tatlong nasawi.
“Mas maganda siguro mabigyan ng hustisya itong mga namatayan without waiting, for instance, the reply coming from Singapore or from the flag state. Eh dito may namatay e,” ayon kay Tolentino.
“Ito may bata pang kasama…’yung byuda ng isang namatay. Baka Grade 3 na itong anak nitong kapitan, hindi pa tapos itong kaso… Paano po natin mabibigyan ng hustisya itong 11 na surivors…ano ang malalapat nating hustisya? So intayin natin yung mga imbestigasyon ng ibang bansa muna, ganoon po ba?” giit niya.
Hiniling ni Tolentino sa Pangasinan provincial police office director at state counsel na makipagkoordinasyon sa lalong madaling panahon upang makapagsampa ng kaukulang kaso.
Sinabi naman ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na maaaring makatulong ang pamahalaan sa biktima sa paghahabol ng inisyal na bayad sa danyos dahil naninniwala ang mambabatas na aksidente ang nangyari.
Aniya, walang probisyon sa ilalim ng international laws na pinipigilan ang pamahalaan na makipagkompromiso at bilisan ang resoluson, na sinang-ayunan ng DOJ at Department of Foreign Affairs.
“Accidents do happen. Posible namang pure accident ito. If it’s a pure accident, does anybody have to go to jail? Hindi [No]. But we have to compensate those damaged at ‘wag na nating i-dribble o patagalin pa masyado [and let us not prolong the process],” aniya.
“So that’s our appeal to our friend, neighbor and ally, the Republic of Marshall Islands, given these [pieces] of evidence, naka-on yung transponder ninyo [your transponder was on], that is a [indication of] good faith e. So there’s nothing to hide. ‘Wag na po natin ‘tong patagalin… Should the victims be entitled to a certain amount, international law does not prevent paying an initial amount, ‘di ba? All the more. Kasi 10 araw na po e [Let’s not stretch it out further…They have been waiting for 10 days already],” dagdag ni PImentel.
Tiniyak namnan ni Captain Leo Bolivar, Deputy Commissioner for Maritime Affairs ng Republic of the Marshall Islands, na dumalo sa pagdinhig na ihahain nito ang suhesiyon sa kanilang pamahalaan.
Sinabi naman ni Senator Robin Padilla na dapat nang mabigyan ng kumpenasyon sa mga biktima sa “humanitarian purposes.”
“Ang akin lang gustong imungkahi sa ating taga gobyerno at siyempre dito sa ating mga bisita [My suggestion for our government and to our visitors here], for humanitarian purposes ika nga [as we call it], if we could consider because these are very poor fishermen and we’re not talking about shipping lines collision. We’re talking about very poor [people here], we have a widow here. I hope we could consider giving them compensation right away,” ayon kay Padilla said.
Tulad ni Pimentel, sinabi ni Padilla na “it is hard to believe criminal liability” in this incident. “I hope we will not wait for the findings because that will take years… I agree with Senator Pimentel this is an accident. But, of course, if that’s an accident and this is the aggrieved, we have to be considerate. These are very poor people. We have this dispute in our seas, they are very confused where to fish now,” giit pa ng senador.