Ni ESTONG REYES
PARA kay Senador Imee Marcos, isang malaking krisis sa pampublikong transportasyon ang nakaamba pagkatapos ng itinakdang deadline ng pamahalaan para sa Public Utility Vehicle (PUV) consolidation.
Git ni Marcos sa pamahalaan, agad resolbahin ang hinaing ng mga transport group bago pa man sumapit ang April 30 deadline para sa jeepney consolidation para maiwasan ang aniya’y transport crisis.
Sa ilalim ng pagkatapos PUV Modernization program, ng gobyerno, hindi na papayagan bumiyahe ang traditional jeeps mga hindi nakapag-consolidate ng prangkisa – “Malamang na dadami ang kolorum kasi kung titigil ang pasada ano pa ang sasakyan?” wika ng senador sa isang panayam sa radyo.
“Ang transportasyon ay parang dugo, sirkulasyon ng bayan. Iyan talaga ang umiikot at nagpapairal ng negosyo, naghahatid ng estudyante, nagdadala ng maysakit sa ospital. Paano tayo kikilos kung wala ang ating mga driver?” wika ni Marcos.
Nanindigan rin ang mambabatas na kapatid ng Pangulo, na hindi sapat ang extension period na iginawad ng pamahalaan para sa PUV consolidation.
Para sa kanya, mas angkop na tugunan ang problema ng mga operator at tsuper hinggil sa pagbili ng modernized jeeps na nagkakahalaga ng P2.5 hanggang 2.8 milyon.
Kabilang rin sa mga hinaing ng mga operator ang problema sa pagpasok sa kooperatiba o korporasyon na anila’y magiging may-ari ng kanilang pampasadang sasakyan.
“Hindi naman yung pagpapaliban ng deadline ang sagot, ang sagot talaga ay paano tukuyin at masosolusyunan ang ibat-ibang problema.”
Una nang nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi wala ng extension ang April 30 deadline para sa jeepney consolidation sa ilalim ng PUVMP.
