Ni ESTONG REYES
SAN sandaling masakote sa bisa ng mga mandamiento de arresto, target ng Senado pagharapin ang kontrobersyal na founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay ng mga paratang ng panglalahay sa mga menor de edad na dating miyembro ng naturang sekta.
Pagtatapat ni Senador Risa Hontiveros, marami pang nais lumantad at maglahad ng karanasan sa kamay ng puganteng pastor sa imbestigasyon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
“Puwede kaming mag-schedule, matter of timing na lang kung mahihintay pa naming maaresto siya dahil mayroon pa kaming ibang mga witnesses, iba pang victim survivor. Ita-timing na lang namin kung napipinto na ang pag-aresto nila o kung hindi pa, kung isasabay ba namin sila sa latest batch ng victims survivors,” sambit ni Hontiveros sa isanng panayam sa radyo.
Una nang itinanggi ni Quiboloy ang mga bintang ng mga biktimang aniya’y gumaganti lang matapos sipain sa talaan ng KOJC members.
Giit ni Quiboloy, ang mga nagpapakilalang biktima at testigo ay pawang sangkot sa katiwalian sa loob ng KOJC.
Gayunpaman, tinurukan ng senador ang mga biktima –“Kapag napaharap sila sa susunod na pagdinig namin, confident ako na wala silang katiting na ebidensya laban sa aming matatapang na witnesses,” pagtitiyak ng senador.
Limaang warrant of arrest ang nakaumang kay Quiboloy – isa sa Estados Unidos, dalawa mula sa lokal na husgado, isa sa Senado at isa sa Kamara.
