
BIGO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tapusin ang bangayan sa pagitan ng Senado at Kamara matapos maglabas ng patutsada ang isang kongresista laban kay Senador Imee Marcos.
Alegasyon ni Ako Bicol partylist Rep. Jil Bongalon na tumatayong vice chairperson ng House Committee on Appropriations, si Senador Marcos mismo di umano ang nagkait ng tulong sa halos 900,000 maralitang pamilya.
Paliwanag ni Bongalon, kinaltasan at inilipat ni Imee sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ang P13 bilyong pondo na para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong nakaraang taon.
Damay din sa birada ni Bongalon si Vice President Sara Duterte. Aniya, kasama ni Imee ang kaalyadong bise presidente sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa piniling mga tao.
“If we do the math, P13 billion divided by P15,000 per household per year, means 867,000 families or 4.3 million poor individuals got zero cash assistance from the Department of Social Welfare and Development’s 4Ps program last year, thanks to Sen. Imee,” patutsada ni Bongalon sa nakatatandang kapatid ng Pangulo.
“As vice chair of the Committee on Appropriations, I learned that it was Sen. Marcos – as head of the Senate finance subcommittee in charge of DSWD’s budget – who slashed P13 billion from the 4Ps budget. This left the most vulnerable sectors without financial aid last year, possibly until the Department of Social Welfare and Development receives its 2024 budget,” aniya pa.
Pagtitiyak ng kongresista, marami pa siyang ibubunyag laban kay Imee sa mga susunod na araw.
“Sen. Imee takes issue with AKAP or Ayuda para sa Kapos ang Kita Program of the House of Representatives which will provide cash grants to our ‘near poor’ kababayans. It’s ironic that she even wants a Senate inquiry into AKAP when she should be the one investigated for depriving the ‘poorest of the poor’ of P13 billion last year,” pagtatapos ni Bongalon.
Very quickly this website will be famous among all blogging and site-building viewers, due to it’s good
posts
I’m gone to convey my little brother, that he should also visit this webpage on regular basis to take updated from hottest gossip.
Your mode of explaining the whole thing in this post is in fact pleasant, every one
can without difficulty be aware of it, Thanks a lot.