NI LILY REYES
KUNG gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan. Ito marahil ang panuntunan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos makapagtala ng panibagong record-high sa sa likod ng kampanya ng pamahalaan laban sa droga.
Sa kalatas ng PDEA, hindi bababa sa P1 bilyong halaga ng iba’t ibang klase ng droga ang nasamsam sa loob lang ng isangb linggong operasyon.
Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, isinagawa ang operasyon mula Agosto 8 hanggang 15 — kabilang ang ang Mariveles, Bataan; San Pablo, Laguna; Carmen, Davao Del Norte; Antipolo City sa Rizal; Mandaue City, Cebu; Tagbilaran City, Bohol; Dumaguete City, Negros Oriental at Parang, Maguindanao.
Nabisto rin ng PDEA sa nabanggit na panahon ang mga taniman ng marijuana sa Cordillera at Kibungan, Benguet.
Kalaboso naman ang 135 na drug personalities — 85 tulak, 17 drug den operators, at 33 parokyano.
