PARA kay Leyte Rep. Martin Romualdez, isang tagumpay ng Pilipinas ang official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos matapos masungkit ang mas malawak na oportunidad sa kalakalan at depensa, na nagpapalakas din sa posisyon ng bansa sa buong mundo.
Ani Romualdez, na siyang House Speaker sa nakaraang 19th Congress, tampok sa pag-uusap nina Pangulong Marcos at US President Donald Trump ang paglalatag ng matibay na pundasyon para sa mas bukas na kalakalan, mas matibay na ugnayang militar, at mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino, sa loob man o labas ng bansa.
“This is more than just an official working visit. This is a statement of confidence: that the Philippines is ready to lead, to compete and to stand tall among nations,” wika ni Romualdez, isang abogado mula sa University of the Philippines at pangulo ng Philippine Constitution Association (Philconsa).
“President Marcos has once again proven that our foreign policy can be both principled and pragmatic, firm in defending our interests, but also generous in building alliances that uplift our people,” dagdag pa niya.
Sa opisyal na pahayag ng White House inihayag ni US President Trump ang matagumpay na pagtatapos ng isang kasunduan sa kalakalan, kasabay ng paglalarawan sa pulong kay Marcos na isang “beautiful visit.”
Pinuri rin ng pangulo ng Estados Unidos si Marcos bilang isang “highly respected” at “tough negotiator.”
Binigyang-diin ni Romualdez, na siya ring pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), na ang bagong kasunduan ay nagbubukas ng mas malawak na kalakalan para sa mga produktong Pilipino, lalo na para sa mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs) na nais lumago at makipagsabayan sa pandaigdigang ekonomiya.
“Access to the US market is a game-changer,” ayon kay Romualdez.
“It means more small and medium Filipino enterprises will be able to compete globally. It means more chances for our farmers, our fisherfolk, and our local producers to earn and grow. We are bringing the world closer to our shores and bringing Filipino excellence to the world,” dagdag ng mambabatas.
“Nations are not built overnight. What matters is that President Marcos secured a seat at the table, and the terms of engagement can be shaped from here. This is how statesmanship works: steady, strategic and always with the people in mind,” saad pa ng kongresista.
Binanggit din ni Romualdez ang mga kasunduang pang depensa na napag-usapan sa pagbisita, bilang bahagi ng mga hakbang sa rehiyon para mapanatili ang seguridad sa West Philippine Sea at mga karatig na karagatan.
“Hindi lang naman tungkol sa pagtatanggol ng ating teritoryo ang isyu sa West Philippine Sea. Higit sa lahat, ito ay ang pakikipaglaban para sa karapatan ng bawat mangingisdang Pilipino sa kabuhayan, sa karapatan ng mga kababayan nating maging ligtas, at sa karapatan ng susunod na henerasyon na mapasakanila ang tunay na atin,” ani Romualdez.
“Through this partnership, we are reinforcing peace, not provoking conflict,” dagdag niya.
Tinukoy rin ni Romualdez na ang mga pahayag ni Trump ay patunay ng muling pag-angat ng Pilipinas sa pandaigdigang komunidad.
“President Marcos is not just earning respect abroad: he is using that respect to uplift every ordinary Filipino back home,” aniya. “It’s easy to talk big in international forums, but harder to deliver real benefits to the people. This President is doing both.”
Bilang tagapagtaguyod ng mga panukala sa Kongreso na nagsisiguro na ang mga kasunduang pandaigdig ay kapaki-pakinabang sa bansa, sinabi ni Romualdez na ang diplomasya ay dapat maramdaman ng karaniwang Pilipino sa pamamagitan ng konkreto at positibong pagbabago sa kanilang pamumuhay.
“When diplomacy results in lower prices for goods, more jobs for our workers, more protection for our borders and more investments in our communities, that is when it becomes real,” aniya.
“That is when the global becomes local,” dagdag pa ni Romualdez.
Nanawagan din si Romualdez sa lahat ng sektor ng lipunan na magkaisa at suportahan ang mga tagumpay ni Pangulong Marcos sa larangan ng ugnayang panlabas.
“We are not a small country with small dreams. We are a nation of over 110 million strong, proud, resilient and hardworking Filipinos. With visionary leadership and a clear direction, we are building a Bagong Pilipinas, one that is respected abroad and feels progress at home.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
