“WALANG itinatago, walang pinoprotektahan.” Ito ang pahayag ni House Speaker Martin Romualdez kasabay ng pagbibigay katiyakan sa suporta at pakikiisa ng Kamara sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panagutin ang nasa likod ng malawakang katiwalian sa pamahalaan.
Garantiya ni Romualdez, magiging bukas ang Kamara sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
“Walang itinatago, walang poprotektahan, at higit sa lahat— hindi lilihis sa interes ng taumbayan,” wika ni Romualdez.
“I fully support President Ferdinand Marcos Jr.’s statement that no one is exempt from accountability. The House of Representatives has already embraced this principle in our work to uphold transparency and restore public trust,” dugtong ng lider ng Kamara.
“The President has also reminded us against name-dropping and reckless accusations. I share this view. Investigations must be anchored on facts and evidence, not on rumor, innuendo, or hearsay. Only by focusing on the truth can we ensure both accountability and fairness,” giit pa niya.
Una nang sinabi ni Romualdez na kailanman ay hindi niya papayagan na maging kanlungan ang Kamara ng mga miyembrong sumalto.
“From the very start, I have made it clear: the House will not be a refuge for wrongdoing. Not even its own Members will be shielded if wrongdoing is proven. We will ensure that the process is fair, fact-based, and guided by the rule of law.”
Kumpyansa rin ang lider-kongresista na sa pamamagitan ng ICI ay mabubura sa maling sistema.
Samantala, pinulong naman ng House Speaker ang mga pinuno ng iba’t-ibang komite para pag-usapan ang hamon na kinakaharap ng Kamara kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects.
“These are serious matters, and I emphasized that the integrity of the House must always be above question. The people deserve clear answers on where public funds go and who truly benefits from them,” diin pa niya.
Paalala ni Romualdez, sa gitna ng mga iringan sa pulitika at mabibigat na akusasyon, hindi dapat matinag ang Kamara at magpatuloy sila sa kanilang trabaho.
“Bawat araw na ginugugol sa pulitika ay araw na nawawala sa paglilingkod. Ang mandato ng Kongreso ay magtrabaho para sa bayan. Ituloy natin ang mga imbestigasyon kontra katiwalian para lumabas ang katotohanan. Kasabay nito, doblehin natin ang sipag sa paggawa ng batas at programang direktang nakakatulong sa taumbayan: murang pagkain, trabaho na may sapat na sweldo, libreng ospital at gamot, edukasyon para sa lahat, at seguridad sa ating mga komunidad.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
