AMINADO ang House precaution panel na isa sa mga dapat tugunan ang ang mga keyboard warriors at troll farm operations na inaasahang magpapakalat ng fake news sa sandaling magsimula ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Gayunpaman, kumbinsido si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na mareresolba ang problema kung paiiralin ang tinawag niyang “whole-of-the-nation approach” o ang kapit-bisig ng sambayanan laban sa kasinungalingan.
Ayon kay Adiong, desperado ang kampo ni VP Sara na ilihis at guluhin ang isipan ng mamamayan sa usapin ng “constitutional accountability process,” sa impeachment proceedings laban sa pangalawang pangulo.
Aniya, inaasahan ng House prosecution panel na may gagawing coordinated online attacks, misleading narratives at propaganda efforts, na higit na magiging aktibo sa pag-usad ng Senate impeachment trial.
Giit ng Mindanaoan lawmaker, mahalagang protektahan ang integridad ng proseso, na bukod sa bahagi ito ng Constitutional mandate ng Kamara at Senado, ay kailangan din ang mahigpit na pagsubaybay at pagkakaroon ng tamang impormasyon ng mga bawat Pilipino.
“When you talk about the impeachment trial, all of us are stakeholders, hindi lang po House prosecution team,” wika ni Adiong.
“Kasi, this is a whole nation approach dapat if you are really standing on the principle of accountability,” dugtong niya.
“If we are actually in favor of making sure that our Constitution is alive and well, all of us should also help in preserving the sanctity of the impeachment court, meaning we need to combat fake news,” sambit ni Adiong.
Panawagan ng ranking House official sa publiko, maging mapanuri sa bawat impormasyong lumalabas tungkol sa impeachment process at tukuyin kung alin sa mga naratibong naglalayon manggulo at manlinlang.
“And again, the participation of the public, that’s why we’re also encouraging the public to be more active in fact-checking and knowing which information is accurate and which information is maliciously released for propaganda purposes to serve a certain interest of a certain group,” diin pa Adiong.
Kinumpirma naman ni WR Numero president at respetadong political scientist na si Cleve Arguelles ang pahayag ng Lanao del Sur solon hinggil sa keyword warriors at troll farm operators na magkalat ng fake news at disinformation kasabay ng impeachment trial.
“Yes. I think nakikita na po natin ngayon, we have seen that in action that beginning with the House impeachment proceedings, hanggang ngayon nag-convene yung impeachment court, lumalangoy sa mga fake news yung ating mga kababayan in almost all platforms,” sabi pa ni Arguelles sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant, Quezon City.
“And this is a challenge not only for the House prosecution team but also the Senate as impeachment court. I think yes, we’ve had different impeachment trials in the past, pero ito ata yung unang makakaharap ng Senate impeachment court na kailangan nilang maintindihan paano ‘yung disinformation,” dagdag niya.
Ayon kay Arguelles, sa mga nakaraang impeachment court, sapat na ang press o media reports para ipabatid sa publiko ang bawat kaganapan sa pagdinig.
Subalit sa kasalukuyang panahon, mayroon na aniyang social media users, partisan networks at non-participants na sa isang iglap ay maaaring makahubog sa pananaw o opinyon ng publiko.
“Before, they could rely on the media to accurately report on the proceedings. They can rely on the media to truthfully (report the news). Pero papaano po ngayon na may social media? Maraming mga hindi participants to the trial that will take advantage of the situation,” punto ni Arguelles.
Samantala, sinabi ng kinikilalang political analyst na nakababahala ang pagkakaroon ng malalim na pagkakahati sa impeachment case laban sa bise presidente at ito’y mas lalong magiging kumplikado sa kasalukuyang political balance sa Senado.
“About half, 50% po ng ating mga kababayan nagsasabi na kulang yung kanilang kaalaman tungkol sa ebidensya at alegasyon laban kay Vice President Sara Duterte. So, I think ito yung babantayan sa Senate Impeachment Court whether yung public understanding ba ng evidence, public understanding ng mga allegations laban sa kanya, whether that will change,” ani Arguelles.
“But right now, alarmingly, marami po ng mga kababayan natin ang nagsasabi na hindi sapat ‘yung kanilang kaalaman at information sa ebidensya kaugnay po ng impeachment,” dagdag niya.
