saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

Kasong graft kontra dating DPWH Sec. Bonoan, tuloy

HINDI pa ganap na lusot sa pananagutan si former Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.

Ito ang tiniyak ng Sandiganbayan Second Division matapos ibasura ang kahilingan ng prosekusyon alisin ang dating Kalihim sa talaan ng mga akusado sa kasong graft na may kaugnayan sa tinaguriang flood control scandal.

Kasama ni Bonoan sa naturang kaso si Senador Jinggoy Estrada.

Sa rekord ng anti-graft court, nakipagsabwatan umano si Bonoan kay Estrada para isingit sa 2025 national budget ang Bulacan flood control projects kung saan sinasabing nagkamal ng P213 milyong kotong ang mga akusado.

Mahigit isang buwan na ang nakalipas nang pagbigyan ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling ng Office of the Ombudsman tanggalin si Bonoan sa talaan ng mga akusado sa kasong plunder — kapalit ng pagiging state witness.