ASAHAN ang mahaba-habvang paglilitis ng Senate impeachment court sa mga kasong kinakaharap ni Vice President Sara Duterte kung patuloy na magmamatigas ang mga abogado ng akusado kilalanin ang bank records ng pangalawang pangulo bilang ebidensya..

Ito ang binigyan-diin ni House prosecutor at Akbayan partylist Rep. Chel Diokno sa hirit na i-stipulate ang bank records para maging maayos at mapabilis ang impeachment trial.

“Inihain po namin ang request for admission upang maging mas maayos at mabilis ang paglilitis po nitong kaso,” wika ni Diokno.

“Ito lang po ang aming layunin — tukuyin kung alin ang tunay na pinagtatalunan nang hindi na kailangan ubusin ang oras ng hukuman sa mga bagay na maaari naman kilalanin o hindi naman talaga kontrobersyal.” 

Ayon kay Diokno, kung patuloy na tatanggi ang depensa, mapipilitan ang prosekusyon na ipatawag ang nasa 20 karagdagang testigo.

Binigyan-diin ng House prosecutor na hindi naman pinagdududahan ng depensa ang mga dokumento, partikular kung fake o fabricated kaya wala rin aniyang dahilan para hindi kilalanin ng mga abogado ng pangalawang pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *