SA lakas at lawak ng mga isinagawang kilos-protesta laban sa korapsyon, tuluyan nang itinaas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa red alert status ang buong bansa bilang paghahanda sa mas malaking pagkilos sa Setyembre 21.
Ayon kay Col. Francel Marg AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na tumatayong tagapagsalita ng AFP, Setyembre 12 pa nang maglabas ng direktiba ang pamunuan ng sandatahang lakas sa lahat ng unit.
Paglilinaw ni Padilla, standard security measure lamang umano ang naturang hakbang.
Bahagi aniya ng direktiba ang pag-alalay ng mga sundalo sa Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga kilos-protesta, gayundin ang seguridad ng mga progresibong hanay sa mga susunod pang araw.
Kamakailan lang, usap-usapan ang umano’y nagbabadyang kudeta na pinaplano di umano ng mga retiradong heneral mula sa hanay ng AFP at maging sa PNP. (EDWIN MORENO)
