GANAP nang pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang panukalang Konektadong Pinoy Act na naglalayong itaas ang kalidad ng internet connection saan mang panig ng mundo.
Para kay Senador Grace Poe, napapanahon nang ganap na isabatas ang “final consolidated measure sa ilalim ng Senate Bill No. 864 na sadyang binalangkas para sa mga mamamayan sa kanayunan na komonekta sa globally competitive economy.
Aniya, naunang inihain ang SB 864 noong Hulyo 2022 upang pasiglahin ang internet services sa pamamagitan ng paglikha ng network building, maglatag ng reporma sa internet governance at kabuuang pagpapahusay ng transmission services sa international best practices.
“Connectivity is a basic service. In this digital era, connectivity is non-negotiable,” ayon kay Poe, dating chairperson ng Senate Committee on Public Services. Pinamumunuan ngayon ni Poe ang Senate Committee on Finance.
Tampok sa KPA ang apat na reporma:
- simplify the process for telecommunications companies to get approval
- manage the radio spectrum more effectively to enhance service quality and coverage
- require telecommunications companies to share infrastructure with new companies
- set performance standards to ensure effective implementation and protect Filipino consumers
Pasok din sa key amendments ni Poe ang pagbibigay pahintulot sa bagong uri ng teknolohiya tulad ng low-earth orbit satellites na pumasok sa lokal na merkado.
Sa sandali aniyang ganap na maging batas, asahan ang pagpasok ng ika-apat, panglima o higit pang bagong players tulad ng Starlink na una nang nagpahayag ng interes maglaan ng P600 bilang patikim sa klase ng internet service ng kumpanyang pagmamay-ari ni Elon Musk.
“With clear-cut policies, expedited facility building, and streamlined services, we can finally foster an environment where businesses can thrive and consumers can enjoy better, more affordable services,” ani Poe.
Iginiit ni Poe na may pangangailangan na matiyak na pantay at inklusibo ang digital transformation sa bansa.
“This bill has been a long time coming. Simply put, the Philippines is one of the last countries still clinging to an outdated regulatory system,” aniya.
Binanggit din ni Poe ang 2024 Policy Paper ng World Bank na tumutukoy sa lumang legal framework ng bansa na pangunahing hadlang sa pagpasok ng pamilihan at pamumuhunan.
“The results of this are clear: mahal pero kupad-pagong na internet connection, kasama na ang kawalan ng insentibong pagandahin ang serbisyo at ang kawalan ng tunay na kompetisyon sa industriya. We are stuck with a system of a bygone era while our neighbors are rapidly making strides in improving their connectivity.” (ESTONG REYES)
