SA gitna ng kabi-kabilang batikos kaugnay ng umano’y palpak na flood control projects, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananagot ang mga kontratistang nakipag sabwatan sa tiwaling opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Garantiya ng Pangulo, iba-blacklist ang mga kontratista. Bukod aniya sa hindi na pwedeng lumahok sa bidding para sa mga infrastructure projects ng pamahalaan, itutulak din umano ng gobyerno ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga kontratista at mga DPWH officials.
Gayunpaman, hindi pinangalanan ng Pangulo ang mga nasa likod ng mga tinawag niyang “substandard flood control projects.”
Ayon pa kay Marcos, mas magiging mapanuri ang administrasyon sa lahat ng mga proyekto sa gobyerno.
