WALA nang pag-asa pang masungkit ng isang police general ang pangarap na magsilbi bilang hepe ng pambansang pulisya.
Sa isang direktiba, sinibak ni Philippine National Police (PNP) chief si Deputy PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez na higit na kilalang malapit kay First Lady Liza Araneta-Marcos.
Gayunpaman, walang sinabing dahilan sa likod ng pagsibak kay Nartatez na itinapon sa Mindanao para magsilbing area commander.
Sa paglisan ni Nartatez, itinalaga naman ni Tore si Lt. Gen. Bernard Banac bilang number two man ng PNP.
Si Banac ang dating Area Police Commander Western Mindanao. (EDWIN MORENO)
