MAS lalo pang naipit si Senador Jinggoy Estrada matapos ibasura ng Korte Suprema ang mga petisyon hinggil sa mga kasong graft at plunder na may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Sa desisyon ng Korte Suprema noong Oktubre 28, dinismiss ng En Banc ang mga petitions for certiorari ni Estrada na may kinalaman sa plunder charges dahil ito ay “moot and academic.”
“The Court took judicial notice of the Sandiganbayan Decision, dated January 19, 2024, acquitting Senator Estrada of the plunder charges, which rendered the said Petitions moot and academic,” saad sa desisyon ng Korte Suprema.
Tinabla rin ng Korte Suprema ang argumento ng senador na nagsabing “deemed absorbed” na umano ng mga plunder cases ang iba pang graft charges na isinampa laban sa kanya.
Kabilang si Estrada sa inirekomendang sampahan ng kaso kaugnay naman ng flood control scandal na kinasasangkutan ng hindi bababa sa 17 mambabatas mula sa Senado at Kamara.
