MULING iginiit ni Speaker Faustino Dy III ang buong suporta ng Kamara sa iba’t-ibang farmers at irrigators’ associations, gayundin sa Sagip Saka Program, bilang pagtupad sa layuning magkaroon ng mas malaking kita at magandang buhay ang hanay ng Filipino farmers. “Food security begins with farmer security. Kung nais nating maging matatag ang ating suplay ng pagkain, kailangan munang maging matatag ang kabuhayan ng ating mga magsasaka,” ang naging mensahe ni Speaker Dy, na binasa Bulacan 2nd District Rep. Augustina Dominique “Ditse Tina” C. Pancho, ranking member ng House Committee on Agriculture. Ang naturang Speaker’s Message of Affirmation ay ipinabatid ni Pancho sa naging pagpupulong ng farmers’ at irrigators’ associations para sa Sagip Saka Program, na ginanp sa Rangie’s Villa sa San Miguel, Bulacan. Pagbibigay-diin ni Speaker Dy, kailangang mapabuti ang agricultural productivity kasabay ang pagtitiyak na mayroong mapagdadalahan o mapagbebentahan ang mga magsasaka ng kanilang ani. “A farmer may have good land, sufficient water and a good harvest, but if that farmer cannot find a fair and reliable market, hindi pa rin sapat ang kanyang kikitain,” saad pa ng lider ng Kamara. “And this is where Sagip Saka becomes especially important. The program helps bring government and institutional buyers closer to our farmers and their organizations. It gives farmers an opportunity to become not simply producers, but stronger participants in the agricultural value chain,” aniya. Giit ni Speaker Dy, sa kabila ng kabila ng naitalang P2.92 billion na procurement awards ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng pagpapatupad ng Sagip Saka Act, marami pa ang dapat gawin. “But we want to do more. Our objective is not just better productivity; our goal is better incomes for our farmers,” mariing sabi ng House Speaker mula sa Isabela kung saan siya naging governor at kinikilala bilang isa sa major agricultural province ng bansa kung kaya malapit sa puso niya ang sektor ng agrikultura. Sinabi ni Speaker Dy na mahigpit na tinututukan ng Kamara ang agricultural spending hindi lamang dahil aspeto ng food production, bagkus kasama na ang paglikha ng mga trabaho, kabuhayan at ang presyo nito sa mga pamilihan. Sa ilalim ng panukalang 2027 national budget, ang DA at iba pang attached corporations nito ay nakatakdang makatanggap ng ₱198.4 billion pondo, na gagamitin para sa iba’t-ibang programa nito na nakataon sa agri productions, farm mechanization, post-harvest facilities, market access, crop protection, livestock development, at iba pa. “Sisiguruhin ng Kamara na ang bawat pisong inilaan para sa agrikultura ay gagamitin nang maayos at hahantong sa konkretong pakinabang para sa ating mga magsasaka,” pagtitiyak naman dito ni Speaker Dy. “We want agricultural spending to be felt not only in reports and statistics, but in higher yields, lower production costs, better market access and larger incomes for farming families.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Paggamit ng alyas para maglustay, sablay