HIGIT na kalbaryo ang kailangan sagupain ng mga maralitang Pinoy na pilit pinagkakasya ang karampot na kita para tugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

Sa intraday trading ng piso kontra dolyar, lalo pang bumagsak ang halaga ng piso matapos makapagtala ng panibagong all-time low sa palitan kontra dolyar.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, partikular na tinukoy ang patuloy na paghina ng piso na bumagsak ng 15 sentimo. Sa pagsasara ng araw, nauwi sa P62.90 ang halaga ng bawat dolyar mula sa P62.75 na naitala kahapon.

Mula Enero, 26 na beses nang nabasag ang record low sa palitan ng piso kontra dolyar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *