SA hangaring tiyakin na walang magaganap na “recycling” sa merkado, sinimulan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagwasak sa P2.1-bilyong halaga ng mga sigarilyong nakumpiska sa magkakasunod ng operasyon ng kawanihan sa mga nakalipas na buwan.
Para kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., mandato ng kawanihan ipatupad ng buong higpit ang umiiral na batas laban sa mga mandarayang negosyante, kasabay ng giit sa kahalagahan protektahan ng pamahalaan ang mga lehitimong namumuhunan.
Bilang patunay na seryoso ang gobyerno sa kampanya laban sa mga ilegal na aktibidad sa likod ng merkado, pinangunahan ni Lumagui ang serye ng pagsira sa mga nasamsam na sigarilyo.
“This initiative is a testament to our commitment to uphold the law and deter illicit activities. This is the rational next step from the nationwide raids we conducted since 2022 and the filing of criminal cases against these unscrupulous individuals and corporations,” pahayag ni Lumagui.
Bukod sa mga winasak na kontrabando sa bayan ng Porac sa lalawigan ng Pampanga, meron pa aniyang mga susunod na operasyon sa 12 designated destruction sites.
Ang malawakang operasyon ay isang joint effort sa pamumuno ng Office of the Commissioner, sa pamamagitan ng Large Taxpayers Service at ng Operations Group ng bawat 19 Revenue Regions.
Ayon sa BIR chief, pumalo sa P6.4 bilyon ang kabuuang tax liability ng nasa 14.3 milyong pakete ng mga kumpiskadong sigarilyo (katumbas ng P2.1 bilyon).
Bukod aniya sa pagkapon sa mga negosyanteng hindi nagbabayad ng buwis, malaking bentahe rin umano ang pagsira sa produktong sanhi ng nakamamatay na karamdaman, lalo pa’t hindi naman aniya dumaan sa quality control ang mga nasamsam na sigarilyo.
“By ensuring that these products do not re-enter the market, the BIR is fulfilling a three-fold mandate: strengthening revenue collection, protecting the business environment and consumers, and safeguarding public health and safety,” ani Lumagui.
Bago pa man isinagawa ang pagsira, una nang sinampahan ng iba’t-ibabg kasong kriminal ang mga nasa likod ng illegal trade.
“These enforcement actions send a clear message—the BIR will not hesitate to take decisive action against those who violate tax laws,” dagdag ng BIR chief.
“The destruction of illicit goods is a crucial step in maintaining the integrity of our revenue collection, protecting the health of our citizens, and safeguarding the interests of legitimate businesses who properly file and pay the correct taxes due to the government.”
