HAYAGANG kinastigo ng isang militanteng kongresista ang paglisan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungo sa Singapore para umano manuod ng F1 Singapore Grand Prix sa naturang bansa. Sa isang panayam, tinawag na manhid ni ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio si Marcos na mas pinili ang sarap-buhay sa Singapore kesa tugunan ang santambak na problema sa Pilipinas. Samantala, iginiit naman ng Palasyo nagtungo ang Pangulo sa Singapore para sa limang araw na state visit — mula Oktubre 7 hanggang 11. Gayunpaman, nilinaw ng Palasyo na kasama sa schedule ng state visit ang panonood ni Marcos sa F1 Grand Prix base sa imbitasyon ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong. “Well, kung itutuloy niya yan (panonood ng F1 grand prix), manhid at tila bingi sa mga panawagan ng mamamayang naghihirap na sa 7.2% inflation,” ani Tinio. Para kay Tinio, higit na matimbang ang sinumpaang tungkulin ng Pangulo kesa sa panonood ng karera ng mga sports cars. Mungkahi ng mambabatas kay Marcos, unahin ang panawagan ng mga mamamayan na tanggalin ang buwis sa mga produktong petrolyo, itaas ang sahod ng manggagawa, benepisyo ng mga government employees at iba pa. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Voting threshold ibalik sa 16, hirit ng minorya sa SC