
Ni Jam Navales
KASUNOD ng inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nanawagan sa bisa ng panukala sa Kamara ang isang bagitong kongresista para sa pagtataguyod ng sa mental health centers sa iba’t-ibang panig ng kapuluan.
Partikular na isinusulong ni House Committee on Health Vice Chairperson at AnaKalusugan Partylist Rep. Ray Reyes ang pagtatayo ng pasilidad na magbibigay-lunas sa mental, neurological at substance use disorder sa 17 rehiyon sa bansa.
Sa kanyang House Bill 3582 (Mental Health Center Establishment Act), binigyan-diin ng neophyte pro-health advocate solon na marapat lamang na bigyang-pansin din ng pamahalaan ang mental health ng bawat mamamayang Pilipino.
“Mental health and well-being should be a priority of our government and there is no denying that there is a need for more mental health centers in the regions,” wika ng mambabatas.
Para kay Reyes, may sapat na dahilan para mabahala ang Kongreso sa pagsisiwalat ng DOH kung saan lumalabas na mahigit na sa 3.6 million indibidwal sa bansa ang nakakaranas ng karamdaman sa pag-iisip.
Ang nakalulungkot, aniya pa, ay ang limitadong programa at serbisyo ng gobyerno sa kabila ng patuloy na paglobo ng bilang ng mga Pinoy na mayroong mental health problems.
“While more and more people are suffering from mental health issues, access to mental health services in the country remains limited due to stigma and lack of resources. Nakakalungkot dahil marami pa rin sa ating mga kababayan lalo na sa probinsya ang walang access sa mental health care,” pahayag pa ni Reyes.
Sa ilalim ng HB 3582, nais ng ranking House official na magtayo ang DOH ng mental health centers partikular sa bawat rehiyon o iba lang lalawigan sa bansa.
“Through this bill, we hope to make diagnosis, treatment, and care more accessible to Filipinos,” ani Reyes.