
SA halip na magbawas ng tao sa gobyerno, target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na italaga sa Gabinete ang mga kaalyadong talunan noong nakaraang halalan kasunod ng pagtatapos ng one-year ban sa appointment ng mga natalong kandidato.
“We have to look at, marami naman talagang magaling na hindi nanalo sa eleksyon na gustong tumulong. We’ll certainly look into that,” sambit ni Marcos sa mga mamamahayag sa isang panayam.
Paglilinaw ni Marcos, walang magaganap na balasahan sa kanyang Gabinete sa pagpasok ng ikalawang taon ng panunungkulan sa Palasyo.
“But more or less for the beginning of the second year of my term, palagay ko, mayroong, not a shuffle, but we will add to the Cabinet to strengthen the Cabinet.”
Nang tanungin kung sino sa mga talunang politiko ang napipisil, tumanggi si Marcos magbigay ng iba pang detalye, kasabay ng giit na kailangan pa niyaa umanong kausapin ang mga kursunadang gawing bahagi ng administrasyon.
“No, I will not announce anybody yet. They should not hear it naman from the press. They should hear it from me. Kami muna mag-usap,” aniya.
Sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na 1987 Constitution – “no candidate who has lost in any election shall, within one year after such election, be appointed to any office in the Government or any government-owned or controlled corporations or in any of their subsidiaries.”