DALAWANG kumpirmadong kaso ng monkeypox (mpox) ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Metro Manila. Sa kabuuan, nasa 12 indibidwal na mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagpositibo sa karamdaman
Ayon sa DOH, ang ika-11 kaso ay isang 37-anyos na lalaki mula sa National Capital Region (NCR) na nakitaan ng sintomas noong Agosto 20 tulad ng rashes sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
“A distinct rash began on his face, arms, legs, thorax, palms, and soles. Initial investigation showed that case 11 had no known exposure to any person with similar symptoms, but admitted to close, intimate, and skin-to-skin contact within 21 days before the start of his symptoms,” saad ng kagawaran sa health bulletin.
Agosto 22 nang dalhin sa pagamutan ang pasyenteng kinunan ng skin sample na dinala naman sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa angkop na pagsusuri habang nasa ospital ang pasyente.
Samantala, tinubuan naman ng butlig sa maselang bahagi ng kanyang katawan na sinundan pa ng lagnat mula Agosto 14 ang ika-12 pasyenteng mula rin sa Metro Manila. Hindi naman matiyak ng pasyente kung nakahawa siya o siya ang nahawahan matapos makipagtalik.
Aniya, kumonsulta pa siya sa isang skin clinic kung saan ang resulta ng pagsusuri at “bacterial infection” lang. Gayunpaman, lubha umano siyang nabahala matapos magkasugat sa muha, noo at anit.
“He was advised to seek consultation at a DOH hospital where a skin sample was taken last August 23. He was advised home isolation while awaiting results, and has been staying at home ever since,” anang ahensya.
