TALIWAS sa nakasanayang magarbong silid-tulugan, isang ordinaryong papag ang kailangan pagtiisan ng kapatid ng puganteng former Bamban Mayor Alice Guo matapos ilipat sa Senate Custodial Facility.
Dakong alas 12:00 ng tanghali nang ihatid ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation sa senado si Shiela Guo matapos madakip sa isang mall sa lungsod ng Riau sa bansang Indonesia kasama si Cassandra Li Ong ng sinalakay na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
Samantala sa dinala naman ang si Cassandra Li Ong Kamara kung saan siya pansamantalang ikukulong bunsod ng parusang ipinataw kaugnay ng contempt na inilabas ng komiteng nagsisiyasat sa illegal offshore gaming operations sa bansa.
Kapwa may warrant of arrest sina Shiela at Cassandra.
Sa isang panayam, sinabi ni Senate President Chiz Escudero na makakalabas lamang si Shiela sa kung irerekomenda ng Senate committee on women ang kanyang paglaya.
“She will be released once the committee recommends her release after she relieves herself of the contemptuous act vs the committee and after I sign the release order.” (CESAR MORALES)
