SUGATAN ang isang tauhan ng Philippine Navy matapos umanong hampasin sa ulo ng miyembro ng China Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal.
Sa isang kalatas, kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang insidente ng pananakit sa Ayungin Shoal, hindi kalayuan sa BRP Sierra Madre noong Hulyo 20.
Batay sa kwento ng mga Philippine navy servicemen, sakay ng isang rigid hull inflatable boat ng China Coast Guard na may walong sakay ang lumapit umano sa BRP Sierra Madre habang kumukuha ng video.
Nang sitahin, nagpakita umano ng pagiging agresibo ang mga Tsino. Ilang sandali pa, iwinasiwas umano ng isa sa mga Tsino ang batuta na tumama naman sa ulo ng Philippine Navy personnel.
Pagkatapos ng pananakit, sinira pa ng mga Tsino ang isa sa mga rubber boats ng ahensya.
Pasok sa 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone ang Ayugin Shoal.
