WALA sa mandato ng Office of the Vice President (OVP) diktahan ang Commission on Audit (COA) sa ginawang pagsusuri sa confidential funds ng ginastos ng nasabing tanggapan.

Para kay House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, sablay ang argumento ng defense panel na walang basehan ang utos ng COA sa OVP na magsumite ng karagdagang dokumento para sa liquidation report. 

Giit ng Adiong, ang ginagawa ng COA ay simpleng regular audit procedures, na batay sa standard requirement na ipinatutupad sa lahat ng government agencies.

“So, hindi nila pwedeng sabihin ng OVP na: ‘Hindi, wala namang nakasulat d’yan specifically sa Joint Circular, so why are you asking this from us?’” wika ni Adiong.

“So, kung usual standard yun na ginagawa ng ICFAO (Intelligence and Confidential Fund Audit Office) sa lahat ng ahensyang ni-require nila for the reward, dapat sumunod din ang OVP at hindi dapat mag-exempted,” diin ng prosecution spokesperson.

Kinontra rin ni Adiong ang paniniwala ng defense team na ang paghingi ng COA ng resibo sa mga binili ng OVP at sinabing paggamit ng confidential funds ay maaaring ikapahamak ng mga confidential informants.

“Kung titingnan natin, ano bang gusto ng OVP? Special treatment na naman?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *