PARA sa Office of the Solicitor General (OSG), malinaw ng “fishing expedition” lang ang motibo sa likod ng petisyong naglalayon isailalim sa drug test si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Hiling ng OSG sa Korte Suprema, ibasura ang petisyon para sa mandamus na idinulog ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez, kasama sina Virgilio Garcia, Juan Raña, at Raymundo Junia.
Bukod sa drug test target din ng petisyon ng grupo ni Alvarez ipasuri sa dalubhasa sa larangan ng medisina si Marcos na una nang napaulat na may malubhang karamdaman.
Giit ng OSG, saklaw ng saklaw ng “absolute immunity from suit” ang Pangulo — bukod pa sa wala anilang legal na basehan sa ilalim ng Konstitusyon na obligahin ang Pangulo na magpa-medical exam at isapubliko ang resulta ng pagsusuri.
“Stripped clean of bombast and rhetoric, this Petition is nothing more than a fishing expedition. It must be resolutely denied,” saad ng OSG sa isang bahagi ng tugon sa Korte.
