SA gitna ng mga panawagan ng mga obrero para sa makatarungang sweldo, P10,000 kada araw naman ang tatanggapin ng mga mambabatas na magiging bahagi ng Constitutional Convention (ConCon) na nagsusulong ng kontrobersyal na Charter Change.
Pagbubunyag ng militanteng kongresista, aprubado na sa Kamara ang nakaka-insultong P10,000 kada araw na ganansya ng mga delegado sa panahong pinag-uusapan ang pagbabago ng 1987 Constitution.
“Halos minimum wage na ito ng isang manggagawa sa isang buong buwan. Sa suma total, magkano ang gagastusin dito?,” patutsada ni Brosas sa mga kapwa kongresistang kaalyado ng administrasyon.
Kabilang sa 304 ConCon delegates ang 253 ihahalal na kinatawan sa kada distrito, habang ang natitirang bakante ay ilalaan naman sa mga itatalaga ng Pangulo, Senate President at Speaker ng Kamara.
“May P10k per diem na ibibigay sa mga delegado, pero walang pondo para sa mga mamamayang nanawagan ng ayuda para sa buong pamilya nila sa gitna ng krisis.”